BIRTHDAY TRIP!
Nadagdagan na naman ng isang taon ang edad ko… at dahil parang “stagnant water” ang takbo ng buhay ko ngayon… wala masyado’ng movement, ni hindi ko alam kung saan na nga ako papunta – don’t get me wrong, di ako depress at wala naman ako’ng masyadong regrets… kaya lang, pagkatapos ng mahabang taon ng pagsusulat, ngayong di na mapigil ang paglaki nina Kristan at Soleil, what’s next for me? Yun ang di ko pa matumbok sa ngayon…
Gusto ko sanang isulat ang mga “learnings” ko sa buhay, dahil siyempre birthday ko nga di ba? Pero naisip ko na araw-araw may nangyayari… araw-araw may natutunan ako, araw-araw may mga pagbabago’ng pinagdaraanan, di ko yata kayang ikahon ang mga “learnings” ko sa buhay sa pamamagitan ng isang blog entry.
Learnings? Sige na nga… Simple lang naman yan… natutunan ko na huwag tumigil sa paggawa ng mga bagay na nagpapasaya sa akin! Kahit hindi maintindihan ng ibang tao bakit ko gusto yon! Pakialam naman nila sa nararamdaman ko di ba? J
Hmm… try ko nga I-share sa inyo ang mga natutunan ko sa buhay --- o subjective ito ha – di ko nire-recommend na sundan niyo!!! -- sa pamamagitan ng mga naging soundtrack ng buhay ko!
1. MAGNIFICA –in my elementary days, big fan ako ng VST
and Co., at ito ang fave song ko nila. Realization – hanggang
ngayon biggest crush ko pa rin si Vic Sotto!
2. TUYO NG DAMDAMIN – ng apo. In highschool, when everyone’s
getting gaga over Martin and Gary… I found myself falling in love with
the music of the APO. Di lang talaga ako pala-sunod sa uso!
4. TRIP TO JERUSALEM - Don’t listen to a word they say… they're
just trying to distract you, do your own thing stick with what you want.
Rebelde palaako! Walang pakialam sa mundo!
5. GIRL BE MINE, TORN, I DON’T WANNA WAIT, TIME AFTER
TIME ni tuck and patti – soundtrack ng lahat ng long drives at constant
out-of-town pagtakas! Na miss na miss ko na ngayon! Sarap talagang
gawin ang bawal. Hehehe!
6. WHAT CAN I DO ng corrs – blasting sa tenga ko habang sumusulat
ako ng isang mahabang tula sa buhangin ng Batangas. Kahit inanod na
ang mga titik at letra, hindi pala talaga madali makalimot!
7. LIFE ni des’ree, WISHING HEART & TRUTHFULLY ni lisa loeb,
SEVEN SISTERS ROAD ni meja, FAST CAR ni tracy chapman – songs
na umubos sa baterya ng walkman ko, minu-minuto kasing nakakabit
sa tenga ko! Songs na bagay isabay sa mantra ko noon… “I am a goddess…
I am invincible…”
8. SEARCHING MY SOUL TONIGHT – height ng pagka-addict ko sa
surreal na mundo ni Ally Mcbeal. Naaalala ko pa, na lahat ng sinasabi
noon ni Ally tungkol sa relasyon, bibliya para sa akin. Ayun, na-realize
ko rin, pareho lang kami na ngangailangan ng “shrink”!
9. HEALING ni barbie – awit para sa isang paglisan na wala ng balikan.
10. STARS at REBIRTH ni barbie pa rin. Para sa muling pagkabuhay ng
pag-asa.
11. at sa pagtanggap na hindi ako isang happy person. Marami akong
kailangang aminin at tanggapin… nahilig ako sa mga kantang
nagpapahayag ng galit! STONE IN MY SHOE ni alisha’s attic, LIFE’S A
BITCH, WHO WILL SAVE YOUR SOUL ni jewel, I NEVER LOVED YOU
ANYWAY ng corrs
12. LOS BANOS – ng sugarfree. Ang sarap balikan ng isang lugar na
kinalakihan, kung saan ka pamilyar at feeling mo safe na safe ka. At sa
akin, kung asan man ang mga bagets ko, yun ang safest at happiest place
on earth
13. KWENTUHAN - pagpapatunay na kung di kita makausap ng matino,
di ka puedeng maging close sa akin.
14. REUNION – ng sugarfree pa rin. Para sa mga kaibigan na di ko na
masyado’ng nakikita. Sarap balikan ng kahapon kapag kasama mo ang
mga kaibigang naging bahagi rin nun!
Di pa dito nagtatapos ang listahan na ito. Tiyak na may kababaliwan pa ako’ng kanta dahil bumabagay siya sa mga hinaing ng puso ko sa kasalukuyan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home