Friday, November 17, 2006

Happy 5th Birthday Kristan!!!




Its Kristan’s 5th birthday. Mas lalong tumatanda, mas lalong humihirap intindihin ang baby boy ko! Ang tigas ng ulo… kasing tigas ng mga pamalo’ng di niya iniinda kapag ipinapalo ko sa puwit niya. Hay naku… halata’ng sinusubukan niya ang pasensiya ko, lalo na kung habang pinapagalitan ay nakatitig lang na parang sinusukat kung gaano kalala ang galit ko, na kapag hindi naman malala, eh di siyempre alam niyang makakalusot siya. Mas lalong umiinit ang ulo ko, kapag nagpigil akong mamalo, at sinubukan ko siyang kausapin, pero imbes na sagutin ako ng matino, tumititig at parang pigil na tumatawa…

Kasi alam niya… kahit paluin ko siya, kahit I-threaten ko siya na di na kami pupunta sa SM, na hindi ko na siya igugoodnight kiss… alam niyang mahal ko siya. As early as now, nararamdaman niyang di ko kayang magalit ng totoo sa kanya… ganon naman ata lahat ng nanay… hay…

Sana lang… this is just a childhood phase that he is undergoing… sana hindi talaga siya lumaki’ng matigas ang ulo at rebelde. Sana, isa lang ito’ng pagsasabi na “nanay, cool ka lang! Huwag ka masyado nagagalit!”

Happy 5th birthday Kristan!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home