Monday, November 22, 2004

IMELDIFIC TENDENCY AND KA-KURIPUTAN, JIVE BA???

Nung isang gabi…. I asked my hubby kung ano yung discovery niya sa akin na talagang tumatak sa isip niya. At naloka ako sa sagot… “yung pagiging super at OA na pagka-kuripot mo!” Na-realize ko, oo nga, super kurips nga ako. Kapag sobra na sa tensyon o problemado ako, I always go to the mall, not to buy, but to go window shopping, at para pagurin ang sarili ko sa kakalakad, which is really ironically therapeutic for me.

Pero oo, OA nga ang pagka-kuripot ko. I’m not an impulsive buyer. When I see something exciting na gusto kong bilhin, siguro mga 4 to 5 times ko yun babalik-balikan sa mall… comtemplating if its really worth buying. If that particular thing would fall in the category of “need” kasi baka naman “want” lang. And ending… 95% of the time, hindi ko yun bibilhin.

Lately, I realized something… tuwing pupunta ako sa mall, I go straight to the shoe section. I’m not Imeldific naman, but I have this strong passion for shoes. Nung na-realize ko ito nung isang gabi… bigla kong in-inspect yung shoe cabinet at oo nga… ang dami ko na ngang sapatos!

Yung paraan ko ng pagbili ng sapatos… ay maihahambing sa mga taong nag-daan, dumadaan at maaaring dadaan pa lang sa buhay ko…

1] black fashionista boots – na di ko pa nasusuot hanggang ngayon, because when I tried it in the mall, it fitted perfectly. I felt so happy wearing it. Pero nung umuwi na ako at in-attempt kong isuot sa isang gimik, I realized na hindi ko pala kayang isuot ang boots na ito ng more than 30 minutes, ang SAKIT sa paa. Kaya hanggang ngayon, inaamag na siya sa lalagyan. Just like the people, na sa unang tingin, parang ang sarap maging kaibigan, ka-gimikan… akala mo totoo sa iyo but in the long run, lalabas din ang ugali. Plastic pala. Ang dami ng ganitong klaseng tao na dumating sa buhay ko, dahil sa industriyang ginagalawan ko. Para sila’ng boots ko, maganda lang sa tingin, nakakahinayang yung effort, energy at oras na ibinigay ko sa kanila.

2] 4thousand-peso white diesel sneakers – na hanggang ngayon ay binabalik balikan ko pero di ko pa rin mabili-bili! Ang sakit sa bulsa! Para’ng instead of buying it, I’ll buy na lang a digicam or mp3 player. Parang mas practical, mas logical. Sa pagkakataong ito, para naman itong mga naging ka-relasyon. Di makalimutan, binabalik-balikan, pero ayaw aminin na may feelings… pilit idinideny, kasi feeling ko, too good to be true. Ang tanong… may tao nga bang too good to be true? Eh lahat naman ng tao may imperfections. Pero paano mo malalaman ang mga imperfections, na baka in the end imperfection na mamahalin mo pa nga… kundi mo I-immerse yung sarili mo sa taong ito. Para itong sneakers ko… sa pagpapaka-tumpik tumpik ko… baka pag binalikan ko wala na. Nabiktima na ako minsan ng ganitong sitwasyon… kakapa-tweetums… nawala! Sana lang matuto na ako sa sneaker-experience na ito. Pag may ginusto akong kaibiganin ngayon… I’ll be a go getter… life is short di ba?


3] red beaded flats – binili ko kasi cool. Tapos tinambak ko sa cabinet. Kinalimutan. Until one day, I had to wear this cool red pants. At bigla kong naisip, parang bagay yung red flats ko! And voila! Nag-match! Tuwang tuwa ako. Tulad din ito ng mga taong akala mo walang silbi sa iyo. Madalas, at guilty ako dito… ikinakahon ko sila at tinatawag na “walang gaanong silbi” sa buhay ko. Pero isang araw, bubulagain ka na lang dahil kailangan mo pa rin sila. Moral of the story: huwag I-categorize ang mga tao at kaibigan… hindi naman sila materyal na bagay. Bawat tao, mababa o mataas ang posisyon, mayaman o mahirap, matalino o average man… may worth!

4] my ever trusted LA Gear – eto naman yung sneakers na ang dami na naming pinagsamahan. Suot ko siya in almost all my gimiks. Dependable. Hindi mahirap I-maintain. Yun nga lang, nung isang araw na sinipat ko… its beginning to deteriorate. Eh pano naman 5 years na ito. If the sneakers could speak, baka tinalakan na niya ako. Ganito rin ang mga mahal sa buhay at friends na laging andiyan, ever dependable, lagging “nagagamit”. Hahayaan ko ba’ng maging LA Gear sneakers ko sila… niratsada sa gamit hangang sa bumigay. Di ba pag mayroong importanteng tao sa buhay, dapat inaalagaan, hindi dinededma, hindi dapat I-take advantage. This is life’s biggest lesson na tina-try ko pa rin hanggang ngayon panindigan…



1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

great post! nag enjoy ako... :)

5:36 AM  

Post a Comment

<< Home