THANKS.... FOR THE LESSONS IN WRITING... AND LIFE!
Everytime I talk to people, to friends, and they ask me… “hey, what kind of work do you do?” Ang sagot ko, I’m a TV writer. And they all scream… “wow! Eh di ang dami mo ng nakikitang arista?” My reply would always be… [to my mind… DUH????] well….
Looking back, ang dami ko na ngang celebrities and non-celebrities but equally popular people na nakatrabaho sa industriyang ito. Yung iba sa kanila, parang bula, pagkatapos makatrabaho nawala na lang bigla… yung iba, parang isang boring na pelikula… nakatrabaho mo man, wala ni katiting na impact. Pero there are people that I had the pleasure of working with… na hanggang ngayon, hindi ko makalimutan kasi they have touched my life… they have imparted some learnings, kahit hindi nila alam o hindi nila sinadya… at ito ang listahan ng mga importanteng tao na yon…
1] APO – first hosts that I worked with. Fresh from college, I subjected myself to their brand of humor. Malalalim na tao. Mapag-isip. Hindi lang script ang pinakikialaman. Pati personal na buhay mo. Kaya pakiramdam ko, importante ako sa kanila. I fell in love with their show, so ang ending, nag-quit ako. Sobrang creative na mga tao, na kailangan pantayan ko rin ng creativity ng script ko.
2] MARTIN – may mga hosts na naka-depende sa writers lahat ng lumalabas sa bibig. Pero si Martin, sobrang independent. Minsan naiisip ko, do I still have a function in his show. He’s a tv host cum writer. He can actually survive without a writer, he’s that GOOD. But the good thing is, he doesn’t make you feel inferior, hindi niya ipaparamdam sa iyo na magaling siya at wala kang silbi. He will work harmoniously with you, at hindi siya selfish magbigay ng praises. Miss ko na magsulat para sa kanya.
3] AMBIE and DIREK POGS – at one point in my writing career, I considered working for an independent tv company. Mas maliit, pero sa pagkakataong ito ko naramdaman na puede naman palang magtrabaho ng hindi nagtatarayan o nagsisigawan. Mas relax ang atmosphere, mas nagiging creative ang pag-iisip ko. This is what I felt when I was working with Ambie and Direk Pogs in their production companies. No pressure… hindi kailangang magka-pimples at mag-nervous breakdown sa tensiyon… mas okey ang output sa trabaho. And the works I did with them, have something in common… parehong pambata, which I discovered is my forte. I love kids!
4] DIREK LAUREN – Had the chance to work with him during ATBP days. And I have to admit, naterrorize ako sa kanya. Tingin ko sa kanya noon, terror director, na kahit kinabukasan na ang taping, ipapa-overhaul ang buong script. After 6 years of not working together, naka-trabaho ko ulit siya at nagulat ako. Ang laki na ng ipinagbago niya. At admittedly, kapag umiinit ang ulo ko ngayon, iniisip ko siya. Kasi, super sensitive siyang tao. Kahit andun na siya sa itaas, director na siya… iniisip pa rin niya ang kapakanan ng maliliit niyang katrabaho. He said, directing has taught him to be sensitive, at yun ang unti-unti kong pinag-aaralan. Sa pagta-travel namin sa iba’t ibang parte ng pilipinas, never ko siyang naringgan ng negative comments o reklamo. Lahat ng bagay, positive ang tingin niya. Tama nga naman… why waste your energy on negative things?
5] MATES – may mga kakilala ka na kapag hindi mo na katrabaho nakakalimutan mo. With Mates, its different. Para kaming kambal, magkadugtong ang bituka na hindi na yata puedeng paghiwalayin. Our friendship survived years of working and not working together. Saan kami papunta ngayon… di namin alam pareho. Basta ang alam ko, sanrekwang detours man ang pagdaanan… magkikita tayo dun sa dulo di ba mare?
6] LUIS - ewan ko… but I liked his sense of truthfulness. Kapag inis, inis! Kapag malambing, malambing. Walang itinatago, what you see is what you get. Na-appreciate ko working with him kasi “koboy”. Kahit maputikan, mainitan, mapuyat never nag-reklamo. And I am really amazed by his sense of commitment. Never nale-late. Para siyang red bull sa akin. Kapag low batt na ako during tapings, isang linya lang from him, nagigising na ako. I’m just wondering, nalo-low batt din kaya siya?
7] TITA AGNES – palaban, matapang, matalino…. Nanay ko sa pagsusulat ng mahahabang scripts. Kahit hindi ako naniniwala na kaya kong magsulat ng teleplay, siya naniwala. One of the most tragic experiences ko sa pagiging writer, kasangkot siya. But I never took it against her. I’m amazed by her principles. Kaya niya ipaglaban basta alam niyang tama siya. Sana ako rin…
8] TITO BOY - isa sa pinakamabait at cool na hosts na nakatrabaho ko. walang reklamo, walang arte sa katawan. Down to eartn, ang sarap kasama. Makuwento at totoong tao. Kung puede ko lang siya gawan ng libro ng kanyang mga escapades, kung papayag siya, ang saya siguro. May pagmamahal sa kapwa at sa katrabaho. Matalino... ang swerte ko na siya ang host ko.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home